The national language of the Philippines is Filipino,
which is Tagalog-based. Article 14 of the 1987 Philippine Constitution
states that:
Article XIV
EDUCATION, SCIENCE AND TECHNOLOGY, ARTS, CULTURE AND SPORTS
Language
Sec. 6. The national language of the Philippines is Filipino.
As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis
of existing Philippine and other languages.
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Subject to provisions of law and as the Congress may
deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain
the use of Filipino as a medium of official communication and as language
of instruction in the educational system.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Sec. 7. For purposes of communication
and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino
and, until otherwise provided by law, English.
SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t
walang ibang tinatadhana ang batas, Ingles.
The regional languages are the auxiliary official languages
in the regions and shall serve as auxiliary media of instruction therein.
Ang nga wikang panrehyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon.
Spanish and Arabic shall be promoted on a voluntary
and optional basis.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Sec. 8. This constitution shall be
promulgated in Filipino and English and shall be translated into major
regional languages, Arabic, & Spanish.
SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag
sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehyon,
Arabic, at Kastila.
Sec. 9. The Congress shall establish
a national language commission composed of representatives of various
regions and disciplines which shall undertake, coordinate, and promote
researches for the development, propagation, and preservation of Filipino
and other languages.
SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod
ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
› Back to FAQ home
Copyright © 2007– |