logo tagalog interpreter
HOME
 

Admonition For Plea of Guilty

Babala Kapag Ang Sagot Ay May Sala

Your Honor, John Doe wants to enter a plea of guilty to the charge of robbery, a violation of section _____ of the California Penal Code, a Felony. I told him that several constitutional rights will be given up if the Court accepts the plea, including:    Kagalang-galang na Hukom, nais magpatala
ng sagot na may sala si John Doe sa sakdal na
pagnanakaw, isang paglabag ng section ____
ng Kodigo Penal ng California, isang
Pinakamalaking Paglabag sa Batas. Sinabi ko sa
kanya na may mga ilang karapatan sa saligang
batas ang kanyang tatalikuran kapag
tinanggap ng Hukom ang kasagutan,
kasama ang:
First, his right to have a preliminary hearing before a magistrate to determine if a felony has been committed and there is sufficient cause to believe that he is the person who committed the offense, and to have his attorney cross-examine witnesses

   Una, ang karapatan niya na magkaroon ng
paunang pagdinig sa harap ng isang
mahistrado upang alamin kung may naganap
na pinakamalaking paglabag sa batas at may
sapat na dahilan para maniwala na siya ang
taong gumawa ng paglabag, at para masulit-
tanong ng kanyang manananggol/abogado
ang mga saksi.


Jury Instructions (From Interpreter's Edge, Generic Edition 1998, developed by Holly Mikkelson and Jim Willis)

Mga Alituntunin sa Mga Hurado

You have two duties to perform. First, you must determine the facts from the evidence received in the trial and not from any other source. A "fact" is something proved directly or circumstantially by the evidence or stipulation. A stipulation is an agreement between the attorneys regarding the facts. Second, you must apply the law that I state to you, to the facts, as you determine them, and in this way arrive at your verdict.    May dalawang tungkulin kang dapat gawin. Una, kailangan mong alamin ang mga pangyayari mula sa katibayang tinanggap sa paglilitis at hindi sa iba pang pinanggalingan. Ang isang "pangyayari" ay isang bagay na tuwirang napatunayan o sa mga pangyayari o kasunduan. Ang kasunduan ay isang pagkakayari ng mga tagapagtanggol tungkol sa mga pangyayari. Pangalawa, kailangang gamitin mo ang batas na ipinahayag ko sa iyo, sa mga pangyayari, batay sa pagka-alam mo, at sa ganitong paraan humantong sa iyong paghatol.

You must not be influenced by pity for a defendant or by prejudice against him. You must not be biased against the defendant because he has been arrested for this offense, charged with a crime, or brought to trial.    Di ka dapat mahikayat ng awa sa nasasakdal o ng masamang palagay laban sa kanya. Di ka dapat may-kiling laban sa nasasakdal dahil dinakip siya sa paglabag na ito, nasakdal ng isang krimen, o nilitis.


Ground Rules For Deposition

Mga Alituntunin sa Isang Sinumpaang Pahayag (Deposition)

Good morning, Mr. Macairog.

   Magandang umaga, Ginoong Macairog.

Have you ever had your deposition taken before?    Nakuhanan na ba kayo noon ng sinumpaang pahayag (deposition)?
Have you had a chance to confer with your lawyer, Ms. Umali, before you came here this morning?


   Nagkaroon ka ba ng pagkakataong makipag-panayam sa iyong abugado, si Bb. Umali, bago ka pumunta rito ngayong umaga?


Well, let me just remind you that even if we are in an informal setting, a deposition is taken under oath & it is the same as if you are testifying before a court of law, except there is no judge present here today.


   Gayun, hayaan mong ipaalala ko sa iyo na kahit tayo ay nasa impormal na lugar, ginagawa sa ilalim ng panumpa ang isang deposition at katulad ito nang para kang tumitestigo sa isang hukuman ng batas, maliban na lang na walang hukom dito ngayon.


We have a court reporter with us today. He is taking down everything that is being said today. It is important that he hears your answers clearly, so please say your answer and not by nodding or shaking your head when you mean yes or no.


   Kasama natin ang isang court reporter ngayon. Tina-type niya lahat ng sinasabi ngayon. Mahalaga na marinig niya nang malinaw ang iyong mga sagot, kaya maaaring bigkasin mo ang iyong sagot at hindi sa pamamagitan ng pagtango o pag-iling ng iyong ulo kung ang ibig mong sabihin ay oo o hindi.


We also have an interpreter with us here today. We know that you do understand the English language, but since we are using an interpreter today, everything must be interpreted in your native language.
   May kasama rin tayong tagasalin ngayon. Alam namin na nauunawaan mo ang wikang Ingles, pero dahil gumagamit tayo ng tagasalin ngayon, dapat isalin lahat sa iyong sariling wika.

Copyright © 2007–